Associated Departments:
Academic Track , Accountancy, Business, and Management Strand - CORE , General Academic Strand - CORE , Home Economics - CORE , Humanities and Social Sciences - CORE , Industrial Arts - CORE , Information and Communications Technology - CORE , Science, Technology, and Mathematics - CORE , Senior High School , Technical Vocational and Livelihood TrackAng Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik ay naglalayong malinang ang kasanayan at kaalaman sa panimulang pananaliksik ng mga mag-aaral na Senior High School batay sa bagong kurikulum ng K to 12 ng Kagawaran ng Edukasyon. Dito sinasanay ang mga mag-aaral na maging mapanuri tungkol sa iba-ibang usapin sa kanilang paligid, sarili, pamilya, kapalighiran, lipunan, kultura, at sa daigdig sa kabuuan. Hinahanda din ang mga mag-aaral na maging lohikal at kritikal sa pagsusuri ng iba’t ibang anyo ng teksto na kanilang magiging batayan sa pagbuo ng isang makabuluhang pag-aaral.









