INSTRUCTORS:
Private: Dr. Virginia A. De los Santos
Director, External AffairsAssociated Departments:
Academic Track , Accountancy, Business, and Management , General Academic Strand , Home Economics , Humanities and Social Sciences , Industrial Arts , Information and Communications Technology , Science, Technology, and Mathematics , Senior High School , Technical Vocational and Livelihood TrackAng Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino ay isang asignatura sa Senior High School na naglalayong linangin ang kasanayang komunikatibo at kasanayang pampanaliksik ng mga estudyante habang pinalalalim ang kanilang kaalaman sa mga konseptong pangwika at ang kanilang pagkaugat sa sariling kultura bilang mga Pilipino. Nahahati ito sa dalawang yunit: ang una ay nakatuon sa mabisang komunikasyon samantalang ang ikalawa ay sa wika, wikang Filipino, at sitwasyong pangwika sa Pilipinas.
Sa modyul na ito, pagyayamanin ang pag-unawa ng mga estudyante sa mga konsepton, elementong kultural, kasaysayan, at gamit ng wika sa kulturang Pilipino, gayundin ang pag-unawa nila nang may masusing pagsasaalang-alang sa mga lingguwistiko at kultura na katangian at pagkakaiba-iba sa lipunang Pilipino at mga sitwasyon ng paggamit ng wika dito.









